Vice Mayor ng South Upi, Maguindanao del Sur, patay sa pananambang!

Patay ang Vice Mayor ng South Upi, Maguindanao del Sur matapos tambangan sa bahagi ng Sitio Linao sa Barangay Pandan kahapon.

Nasawi din sa insidente ang pamangkin ni Vice Mayor Roldan Benito habang sugatan ang 11-year-old nitong anak gayundin ang kanyang asawa na kapitan ng Barangay Pandan.

Ayon sa Bangsamoro Autonomous Region Police Office, sakay ng pick-up truck ang mga biktima at binabaybay ang bulubunduking bahagi ng South Upi nang pagbabarilin sila ng mga hindi kilalang indibidwal.


Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya laban sa mga suspek.

Kinondena naman ni South Upi Mayor Reynalbert Insular ang nangyaring pananambang at sinabing ginagamit na ng LGU ang lahat resources nito upang mapabilis ang imbestigasyon sa nangyari.

Facebook Comments