Manila, Philippines – Inaabangan na ng mga senador ang pagdalo ngayong araw nina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay ng 6.4 billion pesos na shabu shipment.
Hindi pipilitin ni Sen. Richard Gordon ang dalawa kung sakaling hindi sila sumagot.
Papayagan namang sumagot si Sen. Antonio Trillanes na matagal nang hiniling na ipatawag sina polong at Atty. Mans.
Ayon kay Trillanes, dumalo man sila o hindi handa siya sa pagdinig.
Samantala, muling nagpahayag ng suporta si Pangulong Duterte sa anak na si Pulong at sa manugang na si Atty. Mans.
Facebook Comments