Vice Mayor Paolo Duterte, pinaiimbestigahan sa Kamara

Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte matapos na lumutang ang pangalan nito sa smuggling at “Tara” system sa Bureau of Customs.

Ayon kay Alejano, alangan ang Senado na magpatawag sa Bise Alkalde kaya hinikayat nito ang mga kasamahang kongresista ipatawag na lamang sa Kamara.

Sinabi ni Alejano na sa Mababang Kapulungan unang lumutang ang Pangalan ni Vice Mayor Duterte nang ituro ito sa operasyon ng Davao Group sa Customs.


Iginiit ng kongresista na ito ang pinakamabuting paraan para malaman kung ano ang partisipasyon ng Vice Mayor at para malinis na rin ng batang Duterte ang kanyang pangalan.

Samantala, pinagpapaliwanag naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang NBI dahil hanggang ngayon ay wala ni isa mang nasasampahan ng kaso kaugnay ng 6.4 Billion shabu shipment.

Sinabi ni Castelo na dapat bigyang pansin ito ng NBI dahil ito ay magdudulot ng ‘double black eye’ para sa Duterte administration.

Facebook Comments