Vice Mayor Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr. isasalang na sa inquest proceedings

Manila, Philippines – Isasalang na sa inquest proceedings bago ang alas sais ng gabi ngayong araw sina Vice Mayor Nova Princess Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr. na ngayon nakakulong na sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame .

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio isa sa mga abogado ng pamilya Parojinog, mamayang alas sais ng gabi ay magla-lapse na ang 36 hours na reglementary period kung kayat dapat na silang maisailalim sa inquest proccedings.

Sa gagawing inquest proceedings kukunan ng mugshot, finger printing at medical exam ang dalawa.


Kaugnay nito inihayag naman ni Atty. Topacio, batay sa kanyang pakikipag-usap kay Vice Mayor Parojinog ay hiniling mismo ng bise alkalde na mailipat sya sa Metro Manila para na rin sa kanilang kaligtasan.

Sa ngayon nanatili pa rin sila Vice Mayor Parojinog at Reynaldo Parojinog Jr. sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame habang hinihintay ang mga magiging utos ng direktiba.

Facebook Comments