Vice Mayor Parojinog, hinamon ng PNP na magsumite ng ebidensya kaugnay sa alegasyong itinanim ang mga nakuhang armas at droga sa operasyon sa Ozamiz

Ozamiz City – Hinamon ng Philippine National Police si Ozamiz Vice Mayor Nove Princess na maglabas ng ebidensya kaugnay sa kanyang alegasyong planted o iniligay lamang ng mga operating team ang mga nakuhang armas at iligal na droga sa kanilang bahay ng isagawa ang pagsalakay.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, may mga video na nagpapatunay na may nakuha silang mga kontrabando sa bahay ng mga Parojinog.

Nairekord din daw nila ang aktwal na pagsalakay at ito ay ipipresenta nila sa korte.


Sa pamamagitan ng mga ebidensyang kanilang isusumite sa korte hahayaan na nilang mag desisyon ang korte sa kung ano ang maaring isampang kaso sa mga akusado.

Sa nasabing pagsalakay, ilang mga armas at iligal na droga ang nakuha mismo sa bahay ng mga Parojinog ng isagawa ng mg awtoridad ang pagsalakay.

Facebook Comments