Si Ruma ay ang tinukoy na nasa likod umao ng pagpatay kay dating Sangguniang Bayan Member Alfredo Alvarez na pinagbabaril sa Tuguegarao City taong 2018.
Nadakip ang bise alkalde ng pinagsanib na pwersa ng PNP CIDG Cordillera at Kamuning Police sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Judge Vilma Pauig ng RTC Second Judicial Region Tuguegarao City para sa kasong Murder.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing kaso ng opisyal.
Bukod sa opisyal, kasama rin sa pinadadakip sina Simeon Baloran, Jessie Labang, Dalden Guiwayan, Jose Batang at Jocel Sacayle na pawang nagtatago pa sa batas.
Pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG Camp Cramer si Ruma para sa kaukulang disposisyon.
Matatandaang positibong natukoy sa kuha ng security camera malapit sa pinangyarihan ng krimen sina Labang at Baloran na responsable sa pagpatay kay SB Alvarez kung saan nagsisilbi noong security aide ni noo’y Mayor Joel Ruma.
Sa ngayon ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng kanilang bayan si Vice Mayor Ruma sa darating na 2022 local elections.