Vice Mayoralty Candidate inatake sa puso habang nangangampanya, Patay

Binawian ng buhay ang isang Vice Mayoralty Candidate ng Kalamansig Sultan Kudarat matapos atakehin sa puso sa kasagsagan ng pangangampanya kahapon.
Sa report na nakarating sa DXMY, kinilala ang nasawing kandidato na si Alimudin Butch Diarol.
Si Diarol incumbent Councilor ng Kalamansig na kumakandidato pagka Vice Mayor sa ilalim ng PDP Laban.
Bago paman ang insidente, sinasabing may iniinda ng karamdaman si Diarol.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa kanyang mga kaanak at mga taga suporta.

Facebook Comments