Vice President Leni Robredo, aminadong hindi patas ang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal

Aminado si Vice President Leni Robredo na hindi naging patas ang desisyon ng House Committee on Legislative Franchises sa pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal.

Sa inteview ng RMN Manila, sinabi ni Robredo na maraming taong umaasa sa nasabing network para sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Aniya, bagama’t may mga maling nagawa ang ABS-CBN, gumawa pa sana ng ibang paraan ang gobyerno para papanagutin ito nang hindi isinasakripisyo ang buhay ng mga maliliit.


Sinabi din ni VP Leni na maraming pagkakataon na hindi naipalabas sa ABS-CBN ang kaniyang mga advertisements.

Pero hindi niya ginagawang dahilan ito para magtanim ng sama ng loob sa nasabing network.

Facebook Comments