Vice President Leni Robredo, binigyan ng security briefing ng AFP

Manila, Philippines – Binigyan ng information and security briefing ng Armed Forces of the Philippines si Vice President Leni Robredo kaninang umaga.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col Edgard Arevalo, isinagawa ang aktibidad sa AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo.

Inimbitahan raw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Vice President Robredo na tumungo sa Camp Aguinaldo at pumayag naman ang Pangalawang Pangulo.


Sinamantala naman ng AFP ang pagkakataong ito para bigyan ng information and security briefing si VP Robredo.

Nang nakalipas na Linggo aniya nagkasundo ang tanggapan ng Department of National Defense (DND) at Office of the Vice President (OVP) para sa aktibidad na ito pero walang partikular na petsa.

Mismong si Major General Noel Segovia Clement ang J3 deputy chief of staff for operation naman ang nagbigay ng security briefing kay VP Robredo.

Layon ng hakbang na ito na maging aware ang Ikalawang Pangulo sa kung ano ang mga kakayanan ng AFP sa pagbibigay ng seguridad, ang mga dapat niyang gawin para sa mga kakaharaping security challenges.

Paliwanag naman ni Arevalo na ito ay routine activity lamang ng AFP para sa lahat government officials na bumibisita sa Camp Aguinaldo.
Nation

Facebook Comments