Binisita ni Vice President Leni Robredo si Senator Leila de Lima sa kaniyang detention cell sa Camp Crame sa Quezon City.
Ito ay upang pag-usapan at talakayin ang ilang mahahalagang bagay matapos ang pagkatalo nila sa 2022 National and Local elections.
Ayon sa kampo ni De Lima, umabot ng dalawang oras ang pag-uusap ng senador at ni Robredo.
Wala namang karagdagang detalye sa kung ano ang pinag-usapan ng dalawang Bicolana kahapon.
Mababatid na natalo si De Lima sa senatorial race habang bigo namang makuha ni Robredo ang pwesto sa pagka-pangulo.
Si De Lima ay nakadetena sa Camp Crame noon pang 2017 dahil sa isyu ng illegal drug trade sa Bilibid Maximum Prison sa Muntinlupa.
Facebook Comments