Nananatiling galak si Vice President Leni Robredo sa kanyang nalalabing termino sa kabila ng mga hamong hinarap niya nitong nakalipas na tatlong taon.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, para kay Robredo, “good” ang first half ng kanyang termino, pero “challenging” dahil sa mga paulit-ulit na pag-atake laban sa kanya.
Sinabi rin ni Robredo, na bukas (open) pa ring siyang maka-trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang itinalaga ni Pangulong Duterte si Robredo bilang Housing Czar pero siya ay nagbitiw sa Duterte Administration dahil sa pagkakaiba ng kanilang pananaw at prinsipyo ng pangulo.
Sa ngayon, nakatutok si Robredo sa kanyang flagship Anti-Poverty Program na ‘Angat Buhay’ at iba pang adbokasiya.
Facebook Comments