Vice President Leni Robredo, hindi na kailangang sumama sa Anti-Drug Operations, ayon sa PNP Drug Enforcement Group

Hindi na kailangan ni Vice President Leni Robredo na sumama pa sa mga Anti-Illegal Drug Operations.

Ito ang iginiit ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa gitna ng mga panawagan na dapat personal na makita ni Robredo ang mga ikinakasang operasyon kontra droga.

Ayon kay PDEG Chief of Operations, Lt/Col. Alex Dela Cerna, ang trabaho o posisyon ni Robredo bilang Anti-Drug Czar ay hindi kailangang maging present sa police operation.


Maliban na lamang kung may instruction mula sa Chief PNP o mismo sa Pangulo na sumama siya sa operasyon.

Facebook Comments