Vice President Leni Robredo, hindi na papatulan ang bagong tirada sa kanya ng pangulo

Ipinagkibit-balikat lang ni Vice President Leni Robredo ang bagong tirada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagtatalaga ng isang mahusay na Government Official na papalit sa kanya.

Ayon kay Robredo, wala na siyang balak na patulan ang patutsada.

Bagamat limitado ang kanilang pondo, tiniyak ni Robredo na patuloy na tutulong ang kanyang opisina sa mga nangangailangan.


Aminado ang Bise Presidente na hindi ito ang unang beses na minaliit ng pangulo ang kanyang kakayahan na pamunuan ang bansa.

Samantala, aprubado na ng Senate Finance Committee ang 637 Million pesos na panukalang pondo para sa Office of the Vice President (OVP).

Pangako ni Robredo, sa natitirang tatlong taon ng kanyang termino ay lalo pang palalawakin at pag-iibayuhin ang lahat kanyang nasimulan.

Facebook Comments