Kasabay ng paggunita ng bansa sa proklamasyon ng Martial Law noong 1972, hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang publiko na huwag makalimot sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng bansa.
Sinabi ni Robredo, dapat manindigan lahat sa gitna ng ginagawang revisionism.
Aniya, mahalagang ituloy ang pagkukuwento ng karanasan sa ilalim ng batas militar.
Kapag nawala aniya ang mga katotohanang ito, maglalakas-loob ang ilan na paghati-hatiin ang bayan.
Mas madali aniyang magtatagumpay ang mga pagtatangkang abusuhin muli ang sambayanan.
Facebook Comments