Vice President Leni Robredo, hinimok ang mga opsiyal ng pamahalaan na magkaroon ng unified statements ukol sa COVID-19

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng pamahalaan na magkaroon ng iisang mensahe o pahayag hinggil sa COVID-19.

Ito ay makaraang magdulot ng kalituhan at takot sa publiko ang pagdedeklara ng second wave o ikalawang bugso ng infection sa bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na iba-iba at hindi nagkakasundo ang pahayag ng ilang government officials hinggil sa estado ng pandemya sa bansa.


Iginiit ni Robredo na mahalagang nag-uusap-usap ang mga miyembro ng gabinete bago maglabas ng official statement.

Mahalaga aniyang maingat sa mga inilalabas na deklarasyon sa panahong ito.

Dagdag pa niya, importanteng magkaroon ng epektibong crisis communication sa mga government official sa gitna ng pandemya.

Iminungkahi ng Bise Presidente sa Malacañang na maglabas ng guidelines hinggil sa quarantine measures bago ito ipatupad sa mga siyudad at probinsya sa bansa.

Facebook Comments