Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa administrasyon na maghanda ng mas maaga para sa transistion sa ‘new normal’ habang ang Metro Manila at iba pang lugar ay sumasailalim pa sa quarantine bunsod ng coronavirus pandemic.
Paalala ni Robredo na ang ipinapatupad na lockdown o community quarantine ay hindi maiaalis ang virus, pero binibigyan nito ang pamahalaan at negosyo ng panahon para maghanda.
Sinabi pa ni Robredo na hindi na maaaring bumalik ang mga tao sa dati nilang nakasanayan dahil mananatiling bantas sa publiko ang virus habang wala pang bakuna para rito.
Mahalaga aniyang mapag-aralang mabuti ng pamahalaan ang mga polisyang bubuoin para matulungan ang mga tao na makapag-adjust sa new normal.
Ipinunto rin ng Bise Presidente ang kahalagahan ng epektibong komunikasyon para maiwasan ang takot sa publiko.