Vice President Leni Robredo, hinimok ang sambayang Pilipino na huwag mawalan ng pag-asa sa pagpasok ng taong 2021

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang sambayang Pilipino na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga matinding pagsubok na pinagdaanan sa taong 2020.

Sa kaniyang New Year’s message, sinabi ni Robredo na bago bumalik ang lahat sa kanilang mga trabaho o mga pinagkakaabalahan ngayong 2021, mainam na pagnilayan na mas tumibay ang lahat dahil sa pagharap sa hamon ng pandemya.

Aniya, sa gitna ng mga ingay na nilikha ng 2020, dapat manatiling malinaw ang pangarap sa sarili at para sa bayan.


Paalala ni Robredo, kahit magpalit ng taon, mag-ingat at sumunod pa rin sa mga health protocols at patuloy na magtulungan at alalahanin ang kapwa sa panahon ng krisis.

Nangako ang Bise Presidente na ipagpapatuloy niya ang pagtulong sa mga pinakamahihirap sa mga komunidad.

Facebook Comments