Vice President Leni Robredo, iginiit na bigong mangampanya si dating senador bongbong marcos sa barmm noong 2016 elections

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na bigong nangampanya si dating Sen. Bongbong Marcos sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao noong 2016 Elections.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, nagpapasalamat si Robredo sa BARMM leaders sa ipinakita nilang suporta sa kanyang laban sa Election Protest na inihain ni Marcos na inaakusahan siyang nandaya.

Pasaring pa ni Robredo kay Marcos, ang Election Protest ay nakaka-istorbo lang sa buong bansa.


Una nang sinabi ni BARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong, na landslide ang pagkapanalo ni Robredo sa Lanao Del Sur dahil siya lamang ang Vice Presidential Candidate na nangampanya sa probinsya.

Sinabi naman ni Deputy Speaker Mujiv Hataman, walang basehan ang mga alegasyon ni Marcos.

Nabatid na inihayag ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), na lumamang pa si Robredo ng 15,000 boto kay Marcos matapos isagawa ang manual recount ng mga boto sa tatlong pilot provinces na pinili ni Marcos.

Facebook Comments