Nanindigan si Vice President Leni Robredo na hindi dapat mabigyan ng ikalawang pagkakataon si convicted rapist at murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Si Sanchez ang itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay sa dalawang estudyante ng UP Los Baños noong 1993 at hinatulan ng pitong counts ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo na sa kaso ng dating alkalde ay hindi nararapat na mabigyan ng ‘second chance.’
Aniya, ang panahon ni Sanchez sa loob ng selda ay binigay sa kanya para magbago subalit marami pa ring ginawang ilegal na gawain kahit nakakulong na.
Nabatid na naglabas ng desisyon ang Korte Suprema na gawing rectroactive ang pagpapatupad ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance Law na nagbabawas sa prison terms ng isang bilanggo base na rin sa ginawa nitong kabutihan sa loob ng kulungan.