Iginiit ni Vice President Leni Robredo na kailangang magkaroon ng ‘middle ground’ sa pagitan ng public safety at economic activity kapag babawiin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa May 15.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iminungkahi ni Robredo na payagang magbukas ang ilang negosyo tulad ng barbershops, salons at health clinics.
Mahalaga ring payagan nang makapagtrabaho ang mga nasa construction sector.
Aniya, dapat gawing dahan-dahan ang pagbubukas.
Sinabi rin ni Robredo na dapat may mahigpit na ipinatutupad na health protocols tulad ng social distancing.
Sang-ayon din si Robredo sa unti-unting pagbuhay sa economic activity.
Nabatid na inirekomenda ng Metro Manila Council ang tatlong quarantine options sa May 15 deadline.
Kabilang na rito ang pagpapalawig ng ECQ hanggang May 30, pagpapatupad ng Modified Community Quarantine, o ibaba sa General Community Quarantine (GCQ).
Ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay inaasahang magkakaroon ng pinal na desisyon ngayong linggo na aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte.