Vice President Leni Robredo, inisa-isa ang kanyang mga suhestyon para sa COVID-19 response

Inilabas ni Vice President Leni Robredo ang listahan ng mga suhestyon na kanyang pinadala sa Malacañang para mapabuti ang COVID-19 response ng pamahalaan.

Una nang sinabi ng Malacañang na walang bago sa mga suhestyon ng Bise Presidente pero nagpapasalamat sila sa pinadala nitong sulat.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na nagpadala siya ng walong pahinang sulat noong June 30 kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Binalikan niya ang kanyang mga suhestyon para tingnan kung ilan sa mga ito ang ipinapatupad na ng pamahalaan.

Aniya, ang pagtanggal ng “fresh” at “late” cases sa pag-uulat ng Department of Health (DOH) pa lamang ang ipinatupad.

Sinabi rin niya sa kanyang sulat kay Roque, na mayroong kaduda-duda sa COVID-19 data, procurement ng testing kits, hiring of contact tracers, status ng mga programa, at transportation concerns.

Kasama rin sa iminungkahi ni Robredo ang pagkakaroon ng online portal para sa lahat ng COVID-19 concerns, maayos na pagpapauwi sa Locally Stranded Individuals (LSIs), at pagpapatupad ng service contracting system sa mga apektadong jeepney drivers.

Isinapubliko ni Robredo ang kayang mga rekomendasyon para malaman ang katotohanan hinggil sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Facebook Comments