Vice President Leni Robredo, inutusan ng Presidential Electoral Tribunal na magbayad ng protest fee

Manila, Philippines – Binasura ng Supreme Court na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal ang Motion for Reconsideration ni Vice President Leni Robredo.

Tungkol ito sa election protest ni dating Senator Bongbong Marcos.

Sa desisyong binasa ni Atty. Theodore Te, tagapag-salita ng Korte Suprema – sinabi nitong mayroong limang araw si Robredo para makapagbigay ng paunang bayad na nagkakahalaga ng walong milyong piso para sa kanyang counter protest.


Una nang iniutos ng SC kina Marcos at Robredo ang pagbabayad ng mahigit 81 million pesos para sa pag-usad ng kanilang mga protesta.

Nakapagbigay na ng paunang bayad si Marcos na aabot sa mahigit 36 million pesos.

Matatandaang ipino-protesta ng dating Senador ang kanyang pagkatalo sa pagka-Bise Presidente kay Robredo noong May 2016 Presidential Elections.
DZXL558

Facebook Comments