Vice President Leni Robredo, ipinagdiwang ang kanyang ika-52 kaarawan kahapon

Manila, Philippines – Ipinagdiriwang kahapon ni Vice President Leni Robredo ang kanyang ika-52 kaarawan.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Georgina Hernandez – sa bahay lamang nito sa Quezon City ginugol ni Robredo ang buong araw kasama ang kanyang pamilya.

Kasabay nito, nagpaabot naman ng pagbati si Senator Leila Delima sa Ikalawang Pangulo sa pamamagitan ng sulat.


Nakasaad sa sulat na nagpasalamat si De Lima sa paninidigan ni Robredo sa mga prinsipyong pinaniniwalaan nito at sa pagtataguyod sa karapatang pantao.

Sinabi rin ang senadora na kalian may hindi magwawagi ang masama laban sa mabuti at katotohanan laban sa kasingungalingan.

Facebook Comments