Vice President Leni Robredo, isinusulong ang audit sa yaman ng mga Marcos

Manila, Philippines – Hinamon ni Vice President Leni Robredo ang pamilya Marcos na payagan na isailalim sa audit ang kanilang yaman.

Sa sandali aniya na makita na may sobra o hindi maipaliwanag ang pinanggalingan ay dapat na ibalik sa taumbayan.

Huli man, ayon kay VP Leni, ang pagsasauli ng mga sinasabing Marcos Gold, Welcome Development ito para sa mamamayang Pilipino.


Katanungan din sa bise presidente kung ang pagsasauli ay may kaakibat na kondisyon.

Kung sinsero talaga ang mga Marcos, kinakailangang bilisan nila ang pagsasauli ng ill-gotten wealth at dapat ay ibalik nang buo.

Facebook Comments