MANILA – Itinanggi ni Vice President Leni Robredo na may kinalaman siya sa planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.Ang naturang isyu kasi ang laman ng kumakalat na e-mail na tinawag namang “Lenileaks”.Una na itong pina-imbestigahan ng malakanyang kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, kung saan sinabi nitong importanteng malaman ang pinaka-ugat ng “Lenileaks”.Ayon kay Robredo, panibagong paninira na naman ito laban sa kanya.Inamin naman ni Robredo na supporter nga niya si Loida Nicolas Lewis mula nang tumakbo siya sa pagka-kongresista.Pero hindi totoo na nagkita sila sa Amerika at nagplano na paalisin sa puwesto si Pangulong Duterte.Una nang sinabi ni Lewis na hindi siya nagpa-plano para patalsakin si P-Duterte.Iginiit pa ni Lewis na ang “resign Duterte movement” ay base sa sariling pahayag ng pangulo na magre-resign siya kung talamak pa rin ang droga sa unang anim na buwan nito sa puwesto.Ipinunto pa ni Lewis na ang pagtutol ay hindi katumbas ng pagpa-plano at pagsasabwatan.Pero sabi naman ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre, maituturing pa ring iligal ang ginawa nina Lewis dahil sa “conspiracy”.Payo naman ni Sen. Franklin Drilon sa administrasyong Duterte, huwag basta-basta maniniwala sa “umano’y” planong pagpapatalsik sa kanya sa puwesto na lumalabas sa social media.
Vice President Leni Robredo – Itinanggi Ang Lumalabas Na ‘Lenileaks’ O Planong Pagpapatalsik Sa Pwesto Kay Pangulong Rod
Facebook Comments