Vice President Leni Robredo, itinangging may inilabas siyang pahayag hinggil sa motorcycle barrier

Pinabulaanan ni Vice President Leni Robredo ang kumakalat na fake news sa social media kung saan naglabas siya ng pahayag tungkol sa motorcycle barriers.

Sa kaniyang tweet, itinanggi ni Robredo na iminungkahi niyang magtalikuran na lamang ang motorcycle rider at ang angkas nito para hindi na sila maglagay ng barrier na nire-require ng pamahalaan.

Aniya, galawang “troll” na naman ito laban sa kaniya.


Pinayuhan ng Bise Presidente ang publiko na huwag magpapalinlang sa mga social media trolls.

Sinabi rin ni Robredo na dapat isumbong ang mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon, lalo na ang mga walang magawa kundi manira sa gitna ng mahalagang trabahong dapat gampanan sa panahon ng krisis.

Mahalaga aniyang maging mapagmatyag at mapanuri sa mga nababasa, napapanood o naririnig sa social media.

Facebook Comments