Umaasa si Vice President Leni Robredo na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay patuloy na bumaba sa mga susunod na linggo para bigyang daan ang pagbawi ng ekonomiya.
Ayon kay Robredo, ang mga lumalabas na datos ay nagbibigay ng pag-asa.
Dagdag pa nito na ang hiling na ‘timeout’ ng medical frontliners ay nagbunga ng magandang resulta sa kasalukuyang coronavirus trend sa bansa.
Napansin din ni Robredo bagama’t malayo sa pamantayan ng World Health Organization (WHO) na 5-percent positivity rate, patuloy na bumababa ang positivity rate ng Pilipinas.
Hinimok ni Robredo ang lahat na manatiling mapagbantay at magtulungan.
Ang tagumpay ng bansa sa laban nito sa COVID-19 ay nakadepende sa pagsunod ng mga tao sa health at safety protocols.
Facebook Comments