Manila, Philippines – Bumaba ng labing isang puntos angsatisfaction rating ni Vice President Leni Robredo sa first quarter ng 2017.
Batay sa latest survey ng Social Weather Stations – 53percent lamang ng mga respondents ang satisfied sa bise presidente, 27 percentang dissatisfied, at 19 percent naman ang undecided.
Naitala sa survey na si Robredo ang siyang maypinakamalaking ibinabang rating mula sa mga top officials ng pamahalaan.
Dahil dito, mayroon lamang ngayon si Robredo na “moderate+26 net satisfaction rating.
Nabatid na sa nakalipas na quarter, umabot pa ang ratingng pangalawang pangulo sa “good” +37.
Samantala, bumaba din ang rating ni Senate PresidentAquilino Pimentel III sa “moderate” mula sa nakuhang “good” rating sa nakalipasna quarter matapos mabawasan ng isang puntos ang kanyang +30 rating noongfourth quarter ng 2016.
Dalawang puntos naman ang ibinaba ng rating ni ChiefJustice Maria Lourdes Sereno mula sa +16 sa nakalipas na quarter, sa ngayon aymayroon na lamang siya +14 rating.
Gayunman, tumaas naman ang rating ni House SpeakerPantaleon Alvarez mula sa “moderate” +10 na sa ngayon ay “moderate” +12 na.
Ang survey para sa mga top officials ng pamahalaan ayisinagawa noong Marso 25 hanggang 28 sa pamamagitan ng face-to-face interviewssa 1,200 adults respondents sa buong bansa.
Vice President Leni Robredo – may pinakamalaking ibinabang rating sa mga government top officials, batay sa SWS survey…..net satisfaction rating ng bise president – bumaba ng 11-puntos
Facebook Comments