Vice President Leni Robredo, muling iginiit ang pagsasagawa ng mass testing ngayong tumataas ang kaso ng COVID-19

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat maglaan ng pondo ang pamahalaan para sa libreng mass testing sa gitna ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na hindi siya sang-ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) na hindi science-based ang pagsasagawa ng mass testing.

Binigyang diin pa ni Robredo na dalawang taon na nating problema ang pandemya kung kaya’t dapat ay handa na tayo sa ngayon.


Ayon pa kay Robredo, hindi dapat balewalain ng gobyerno kahit mild lamang ang sintomas ng karamihan na nagpopositibo sa ngayon.

Facebook Comments