Vice President Leni Robredo – nagpaabot ng pagba ti at birthday wish kay Pangulong Rodrido Duterte

64
Manila, Philippines – Maging isang matagumpay na pangulo….
 
Ito ang birthday wish ni Vice President Leni Robredo sa ika-72 kaarawan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Sa isang panayam – nagbigay si Robredo ng pagbati kay Pangulong Duterte at ipagdarasal aniya nito na maging maayos ang kanyang kalusugan.
 
Bagamat hindi nagkakasundo sa ilang polisiya – hiling ng pangalawang pangulo na maging matagumpay ang pamumuno ni Duterte sa bansa. 
 
Sinabi pa ni Robredo na suportado niya ang pangulo sa mga bagay na pareho sila ng paniniwala.


 

Facebook Comments