Vice President Leni Robredo, nagpaabot ng pagbati at pakikiisa para sa selebrasyon ng Eid’l Fitr sa mga kapatid nating Muslim

Manila, Philippines – Nagpa-abot ng pagbati at pakikiisa si Vice President Leni Robredo para sa selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang huling araw ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim.

Sa kanyang mensahe, nanalangin si Robredo ng katahimikan lalo na sa Marawi City kung saan nagpapatuloy ang bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at teroristang Maute Group.

Umaasa din aniya siya na matatapos na sa lalong madaling panahon ang krisis sa Marawi.


Samantala, bukas (June 26) magtutungo sa Marawi at Iligan si Robredo para plano nitong pagtatayo ng temporary learning center para sa mga kabataan.

Ito aniya ay para hindi maantala ang pag-aaral ng mga kabataan sa harap ng nagpapatuloy na giyera sa lugar.

Facebook Comments