Vice President Leni Robredo, nagpaabot ng pagbati sa sambayanan kaugnay ng National Heroes Day

Nagpaabot ng pagbati si Vice President Leni Robredo ngayong paggunita ng National Heroes Day.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Robredo na magsilbing inspirasyon ng lahat ang katapangan na ipinamalas ng mga bayani sa gitna ng hamon at panganib ng kanilang panahon.

Ayon kay Robredo, sa panahong kinahaharap ng bansa ang banta ng COVID-19, mabuhay nawa ang diwa ng mga bayani sa bawat isa partikular ang mga frontliners sa pandemic response.


Tinukoy ng Bise Presidente ang mga medical professionals, community leaders, government workers at ang mga nasa uniformed services.

Gayundin ang mga pangkaraniwang mamamayan na tumutulong sa kanilang makakaya upang malabanan ang pandemya.

Katulad aniya ng mga bayani, hindi dapat panghinaan ng loob ang lahat sa gitna ng pagsasakripisyo.

Bagkus, palawakin ang kanilang personal na ugnayan na hindi lang pampamilya kundi pang-komunidad at pambansa.

Facebook Comments