Vice President Leni Robredo, nagpaalala sa mga opisyal ng gobyerno na sumunod sa travel policy na ipinapatupad ng mga LGUs

Nagpaalala si Vice President Leni Robredo sa ilang opisyal ng gobyerno na sundin ang mga travel policy na ipinapatupad ng mga Local Government Units (LGUs) sa bansa.

Kasunod ito ng inilabas ng pahayag ng lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro kung saan kinumpirma nito na hindi dumaan sa proper health screening si Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas na kasalukuyang positibo sa COVID-19.

Sa programang Biserbisyong Leni, sinabi ni Robredo, malinaw na dalawa nilabag ni Sinas, una na rito ang hindi pagdaan sa triage na inihanda ng Oriental Mindoro para sa mga biyaherong papasok sa kanilang probinsya na


Ikalawa, ang hindi sa paghihintay sa resulta ng isinagawang COVID-19 test bago bumiyahe.

Giit ni Robredo, dapat ang mga opisyal ang siyang nagsisilbing halimbawa sa publiko sa pagsunod sa mga ipinapatupad na health protocols.

Aniya, ang ginawang ito ni Sinas ay dapat magsilbing paalala sa lahat na maging responsable.

Facebook Comments