Puro kasinungalingan ang mga iginagatong ng oposisyon kay Vice President Leni Robredo tungkol sa giyera kontra droga.
Ito ang depensa ng Malacañan kasunod ng pahayag ng Bise Presidente na dapat nang ihinto ang kampanya kontra ilegal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi na sila nasurpresa sa pagbatikos ni Robredo sa drug war.
Aniya, hindi nakikita ni Robredo ang mga napagtagumpayan ng kampanya at mas pinakakalat ang Black Propaganda ng oposisyon.
Iginiit din ng Palasyo na hindi palpak ang giyera kontra droga.
Wala pang tugon si Robredo sa pahayag ng Palasyo.
Facebook Comments