Vice President Leni Robredo, nakipagtulong sa ad interim Chargé d’Affaires ng US Embassy sa Manila

Nagpasalamat si Vice President Leni Robredo kay US Embassy in Manila’s ad interim Chargé d’Affaires Heather Variava matapos makipagpulong dito para sa ibinigay na tulong ng Amerika sa Pilipinas sa gitna ng pandemya.

Kabilang sa mga ibinigay na tulong ay ang mga; COVID-19 vaccines, test kits, at ICU beds.

Ilan naman sa napag-usapan ay ang partnership ng Office of the Vice President’s Angat Buhay program at ng US Embassy and the United States Aid Agency (USAID).


Matatandaang nitong nakaraang linggo, una na ring binalak ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa US upang magpasalamat sa mga donasyong bakuna.

Tinatayang nasa 77 million doses ng COVID-19 vaccines ang nakatakdang dumating sa bansa na karamihan ay nasa ilalim ng COVAX facility.

Facebook Comments