Vice President Leni Robredo, nanawagan ng pagkakaisa dahil sa nangyayaring tensyon sa Marawi

Manila, Philippines – Nanawagan ng pagkakaisa si Vice President Leni Robredo kasunod ng nagpapatuloy na tensyon sa Mindanao.

Sa kanyang press conference sa Camp Aguinaldo – sinabi ng pangalawang pangulo na panahon ito para magkaisa tayo laban sa terorismo.

Hiniling din ng bise presidente ang tulong at suporta ng publiko sa hanay ng pulisya at militar na siyang nangangalaga sa ating seguridad.


Tiwala naman si Robredo na kaya ng sandatahang lakas na maresolba ang kaguluhan sa Marawi City kung saan tiniyak sa kanya ng Armed Forces na kontrolado nila ang sitwasyon sa lugar.

Kasabay nito – pinaghanda na ni Robredo niya ang kaniyang mga staff na mag-organisa ng relief operations para sa mga apektadong residente sa Marawi.

DZXL558

Facebook Comments