You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Vice President Leni Robredo, nanawagan sa pagpasa ng Sogie Bill

Nanawagan si Vice President Leni Robredo na ipasa ang Sexual Orientation And Gender Identity and Expression o Sogie Equality Bill.

Ayon kay Robredo, kailangang maipasa ang Anti-Discrimination Bill.

Dapat na aniyang mamulat ang mga Pilipino sa pang-aabuso at diskriminasyong nararanasan ng lgbtq+ community.

Umaasa si Robredo na mahihikayat ang mga Pilipino na suportahan ang panukala.

Iginiit ng Bise Presidente ng responsibilidad ng publiko na matiyak ang pagkakapantay-pantay sa “mata ng batas” at sa “mata ng tao.”

Facebook Comments