Nagnegatibo sa COVID-19 si Vice President Leni Robredo, pero ang apat sa kanyang staff ang nagpositibo.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita ni Robredo, isang staff ang nakilahok sa COVID-19 response operations ang nagpositibo nitong nakaraang linggo, resulta para ihinto ang trabaho at magkasa ng testing sa lahat ng personnel kabilang ang Bise Presidente.
Nagsagawa na ng contact tracing procedures para tukuyin ang lahat ng nakasalamuha ng apat nilang staff.
Dagdag pa ni Gutierrez, ang office operations ng Office of the Vice President (OVP) ay pansamantalang ihihinto para bigyang daan ang disinfection procedures.
Pero pagtitiyak ni Gutierrez, na patuloy ang paghahatid nila ng tulong sa mga naapektuhan ng pandemiya.
Nabatid na ang OVP ay nangunguna sa pagsasagawa ng ilang inisyatibo para tulungan ang mga healthcare workers kabilang ang pagbibigay ng libreng shuttle services at dorm services, at pagbibigay ng Personal Protective Equipment (PPE).