“Pabor pero dapat balanse”
Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo kasunod nang pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makalabas ang mga bata sa ilalim ng Alert Level 2.
Kung maaalala nitong weeknend, halos pumuan ang sitwasyon ng mga bata kasama ang kanilang guardian sa mga simbahan, pasyalan, kainan at mall.
Ayon kay Robredo, pabor siya sa paglabas ng mga bata pero dapat balanse at huwag magpabaya.
Samantala, kanina ay inilatag ni Robredo ang 10 punto sa Kalayaan sa COVID-19.
Kabilang na rito ang pagsupil sa korapsyon, pagtatalaga ng nakakaintindi at mahusay na health secretary, alagaan ang mga nag-aalaga tulad ng health workers, libreng pagpapagamot, doktor at nurse sa kada barangay, pagsasaayos sa PhilHealth, trabaho, limitadong pag-aangkat at pagpapalakas sa agrikultura at ligtas na balik-eskwela.
Sinabi ni Robredo na batid niya ang hirap at pangamba ng publiko sa pagtaas at pagbaba ng kaso COVID-19 kaya’t umapela siya sa publiko na kumilos at makipagtulungan para matapos na ang pandemya.