Vice President Leni Robredo, pabor sa pagtanggap ng pera sa vote-buying… pero pagboto, dapat nakasunod sa konsensiya

Naglabas ng opinyon si Vice President Leni Robredo kaugnay sa isyu ng vote-buying na madalas maganap tuwing eleksiyon.

Ayon kay Robredo, maaaring kuhanin ng publiko ang perang ini-aalok ng mga politiko pero bumoto pa rin alinsunod sa kanilang konsensiya.

Imposible naman para kay Robredo na malaman ng mga politiko kung binoto sila ng kanilang binayaran.


Kung sakaling matalo, ito aniya ang magtuturo sa mga politiko na hindi epektibo ang kanilang ginawang paraan.

Sa ngayon, payo ng pangalawang pangulo sa publiko na suriing mabuti ang mga nababasang balita online para malaman kung fake news ito at nagsasaad ng katotohanan.

Facebook Comments