Vice President Leni Robredo, posibleng ma-impeach dahil sa pagsuporta sa UNHRC Resolution

Maaari umanong ma-impeach si Vice President Leni Robredo dahil sa pagsuporta nito sa pagpabor ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang Human Rights situation sa bansa.

Ayon kay Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Atty. Manuelito Luna, ilang beses nang pinalabas ni Robredo na guilty ang gobyerno sa mga Human Rights abuses.

Aniya, maituturing itong betrayal of public trust.


Matatandaang hinikayat ng Bise Presidente ang pamahalaan na maging bukas sa imbestigasyon lalo’t miyembro ng United Nations ang Pilipinas at patunayang walang tinatago ang gobyerno.

Pinatutsadahan naman ni Pangulong Duterte ang Iceland dahil hindi umano nito nauunawaan ang totoong sitwasyon sa bansa.

Facebook Comments