Vice President Leni Robredo, suportado ang hakbang ni Pangulong Duterte na iggiit sa China ang arbitral ruling  

Suportado ni Vice President Leni Robredo ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na igiit na sa China ang desisyon ng International Arbitral Tribunal laban sa historic claim ng China sa West Philippines Sea.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na matagal na itong hinihintay na gawin ng Pangulo.

Umaasa si Robredo na gagamitin ang arbitral ruling laban sa iba pang reklamo laban sa China.


Una nang sinabi ng Bise Presidente na dapat magkaroon ng “Multilateral Approach” ang Pilipinas sa paggiit ng karapatan nito sa pinagtatalunang karagatan.

Facebook Comments