Vice President Leni Robredo, tinawag na panggigipit at abuso sa kapangyarihan ang petisyong Quo Warranto laban sa ABS-CBN

Tinawag na panggigipit alinsunod sa pansariling agenda ng iilang nasa poder ang petisyong Quo Warranto laban sa ABS-CBN.

Ani VP Robredo, ang kalayaan sa pamamahayag ay hindi lamang tungkol sa kalayaang magsalita.

Tungkol din aniya ito sa karapatan ng sambayanang marinig ang katotohanan sa buong lawak nito.


Gayundin ang pagtukoy sa kolektibo nating pinahahalagahan bilang bansa.

Sinabi pa ng bise presidente na kapag sinamsam ng gobyerno ang kapangyarihang ito, sinasamsam din nila ang kolektibong tungkulin nating kilatisin ang katotohanan.

Isa aniya itong malinaw na pang-aabuso sa kapangyarihan.

Kaya mahalagang aniyang bantayan ang kasalukuyang panggigipit sa prangkisa ng ABS-CBN dahil ito ay para sa kalayaan, karapatan, at katotohanan.

Facebook Comments