Manila, Philippines – Itinuturing ni Vice President Leni Robredo na balakid o isang roadblock sa kaniyang paggampan ng tungkulin ang hindi niya pagkakasama sa ikalawang Legislative-Executive Development Advisory Council.
Ayon sa kaniyang spokesperson na si Georgina Hernandez, ilang araw din silang nag follow up sa NEDA ,ang tumatayong Ledac secretariat kung makadadalo si VP Leni.
Maging noong mismong araw ng LEDAC meeting ay muli silang nag follow up.
Pero, hindi aniya madesisyunan ng LEDAC secretariat kung imbitado ito dahil may inaantay silang clearance mula sa office of Cabinet Secretary Leoncio Evasco.
sa kabila nito, tiniyak ni Hernandez na hihilingin pa rin ni VP Leni ang kumpletong detalye ng napag usapan sa LEDAC upang makapagharap siya ng position papers kaugnay ng isinalang na agenda.
Idinagdag ni Hernandez na bagamat ganito ang trato sa bise presidente, high morale pa rin ito at patuloy sa gagawing pagtupad nito ng tungkulin na naka mandato sa kaniya ng saligang batas.