Itinuturing ni Vice President Leni Robredo na isang nakakatakot na pangitain ang hatol na guilty ng korte sa cyber libel case laban kina Maria Ressa at Rey Santos Jr. ng Rappler.
Sinabi ni Robredo na hindi lamang sina Ressa at Santos ang pinagbabantaan ang kalayaan dito kundi ang mga Pilipino sa pangkalahatan.
Dagdag pa ni Robredo, kung ang batas at ang mga institusyon ng gobyerno ay nagagamit na armas laban kina Ressa at Santos, hindi malayong mangyari ito sa mga ordinaryong mamamayan.
Isa lamang aniya ang mensahe nito, maaaring susunod na ang iba pang mayroong kritikal na boses.
Sa panahon na nilalabanan ang banta ng COVID-19, kailangan ng isang malayang pamamahayag.
Hinikayat ng Bise Presidente ang media na magpakita ng tapang at huwag manahimik.