Tinawanan lamang ni Vice President Leni Robredo ang banat sa kanya ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na dapat gamitin niya ang kanyang instincts bilang isang Abogado at ina ng bayan kapag nagbibigay ng komento tungkol sa agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea.
Sa programang Biserbisyong Leni sa DZXL RMN Manila, iginiit ni Robredo na obligasyon niya bilang isang public official na ihayag ang kanyang pagkabahala sa isyu lalo na at nakakasama ito sa bansa.
Ayon sa Bise Presidente, nakakatawa nang kontrahin siya ni Panelo kahit malinaw ang pahayag ng pangulo na isasantabi ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Maritime dispute.
Pinuna rin ni Robredo ang tila pagkakasalungat ni Panelo sa pahayag ng pangulo hinggil sa isyu.
Una nang sinabi ni Robredo na ang pahayag ng pangulo na isasantabi ang 2016 Arbitral Ruling at paboran ang Joint Oil and Gas Exploration ay nakakadismaya at iresponsable.