Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi ito ang panahon para sa mga ahensya ng pamahalaan na isulong ang pederalismo lalo na at kinakaharap pa rin ng bansa ang COVID-19 pandemic.
Ayon kay Robredo, dapat pinaprayoridad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagbibigay ng ayuda sa mga Pilipino sa halip na tutukan ang signature campaign na nagsusulong ng Charter Change (Cha-Cha).
Paglilinaw naman ni DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya, ang civil society organization tulad ng Constitutional Reform Movement (CORE) ang nagsagawa ng signature drive.
Una nang itinanggi ni DILG Secretary Eduardo Año na ipinagpatuloy ang federalism campaign.
Facebook Comments