Nakuha ni Vice President Leni Robredo ang pinakamataas na pag-angat sa latest survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE).
Ito ay matapos na makakuha si Robredo ngayon ng 17.1% mula sa 13% noong November 2021 survey.
Sa kabila nito, nangunguna pa rin si dating senador Bongbong Marcos na may 56.8% at mas mataas ng 1.8% kumpara sa 55% noong nakaraang taon.
Samantala, bahagya namang bumaba si Manila Mayor Isko Moreno at mayroong 11.5% mula sa 13%.
Habang umangat si Senator Manny Pacquiao na mayroong 4.4% mula sa 4% at hindi naman gumalaw sa 3% si Senator Ping Lacson.
Wala pang 1 percent ang nakuha nina dating presidential spokesperson Ernesto Abella, Leodegario ‘Ka Leody’ de Guzman, Norberto Gonzales at Antonio Parlade.
Isinagawa ang survey nitong January 26 hanggang January 30, sa 2,400 respondents na edad 18 pataas at may +/-2 margin of error sa 95 percent confidence level.