Vice President ng Manila Broadcast Company at Station Manager ng DZRH, humingi ng paumanhin kay VP Robredo kaugnay sa isyu ng umano’y bayaran kapalit ng paglahok sa motorcade

Humingi ng paumanhin ang Vice President ng Manila Broadcast Company (MBC) at Station Manager ng DZRH na si Cesar Chavez kay Vice President Leni Robredo at sa mga supporter nito.

Dahil ito sa maling report ng DZRH Correspondent sa Northern Samar sa isyu nang umano’y hindi nabayaran at ibinulsang pera ng organizer ng motorcade ng Robredo suppoters sa lalawigan.

Ayo kay Chavez, walang direktang quote ang kanilang reporter mula sa sinuman na nagsabing siya o sila ay ‘hindi binayaran’ at umano’y ‘ibinulsa ng mga organizer’ ang bayad bilang kapalit sa paglahok sa motorcade.


Ibig-sabihin, walang nakausap ang reporter sa kahit sinuman sa Northern Samar.

Dahil sa pangyayari, sinuspinde muna pansamantala sa pagbabalita sa reporter habang nagsasagawa ng imbestigasyon.

Sa huli, iginiit ni Chavez na hindi nila kokonsintihin ang ganitong gawain kasunod ng pagtiyak sa publiko ng patas at responsableng pagbabalita

Facebook Comments