VP Leni, mananatili sa kanyang pwesto anuman ang maging desisyon ng PET kaugnay sa Election Protest ni Bongbong Marcos

Mananatili sa pwesto si Vice President Leni Robredo anuman ang magiging desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa Electoral Protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Ayon sa abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, ang magiging desisyon ng PET matapos ang recount ng mga balota ay mareresolba lang kung ang itutuloy ang election protest ni Marcos.

Dagdag pa ni Macalintal, kung lumabas sa desisyon ng PET na hindi nagawa ni Marcos na makapagbigay ng substantial advantage mula sa recount ng mga balota mula sa tatlong pilot provinces, mababasura ang kanyang protesta, at mananatiling panalo sa pagkabise si Robredo.


Natapos na ng PET na bilangin ang mga balota mula sa tatlong pilot provinces: Camarines Sur, Iloilo, At Negros Oriental.

Malalaman sa resulta ng recount kung itutuloy ang pagbibilang sa voting precincts ng 22 probinsya at limang siyudad.

Facebook Comments